Ika-8 Space Council meeting, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang direktiba na i-develop at i-utilize ang space science and technology, para sa ika-uunlad pa ng bansa.

Ito ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ay kasabay na rin ng selebrasyon ng Philippine Space Week, kung saan ang Pangulo mismo ang nanguna sa ika-walong Philippine Space Council (PSC), meeting ngayong araw (August 12).

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Una na ring iprinisinta sa Pangulo ang run-through ng mga programa ng tanggapan.

Kabilang rin ang replica ng Multilateral Unit for Land Assessment (MULA) satellite at ang Pandora instruments, na ginagamit upang suriin ang kalidad ng hangin.

Alinsunod naman sa diretiktiba ng Pangulo, ang Phil Space Agency ay lumagda ng kasunduan para sa kolaborasyon sa space agency ng ibang bansa.

Kabilang na ang Japan, United Kingdom-, France, South Korea, at Estados Unidos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us