Ikalawang yugto ng ICCMN Caravan sa Lanao Region, matagumpay na nakumpleto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nakumpleto ang ikalawang yugto ng Inter-Cabinet Cluster Mechanism on Normalization (ICCMN) Caravan sa Lanao Region na naka-benepisyo sa libo-libong na-dekomisyon na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at kanilang pamilya.

Dito’y nakapaghatid ang iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan sa tulong ng Bangsamoro Ministries ng samu’t saring serbisyo ng gobyerno sa mga komunidad ng MILF sa Camp Bilal, Lanao del Norte, at Camp Bushra, Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Region.

Screenshot

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang: medical and dental services; Philhealth at Philsys ID registration; livelihood assistance; Amnesty application; AFP at PNP enlistment information; firearms registration; Passport at consular services, at iba pa. 

Itinurn-over din ang bagong-tayong ₱57-milyong Rural Health Unit (RHU) sa  Barangay Sandab, Butig, Lanao Del Sur na proyekto ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconcilaition and Unity (OPAPRU), Department of Health (DOH), at Bangsamoro Ministry of Health (MOH).

Screenshot

Sa pagbubukas ng Caravan noong August 15 sa Camp Bilal, Barangay Tamparan, Munai, Lanao Del Norte, sinabi ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. na ang caravan ay testamento ng commitment ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Normalization Program sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).  | ulat ni Leo Sarne

📸: OPAPRU

Screenshot

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us