Nakaranas na ng pagbaha ang ilang pangunahing lansangan sa Lungsod ng Mandaluyong ngayong araw.
Bunsod pa rin ito ng nararanasang pag-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila dulot ng hanging habagat sa nakalipas na magdamag.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, lagpas bangketa na ang baha sa panulukan ng F. Ortigas at Boni Avenue habang may pag-iipon na rin ng baha sa bahagi ng Maysilo Circle.
May pagbaha ring nararanasan sa bahagi ng Pioneer Street patungong Pasig City dahil sa umapaw na kanal doon.
Dahil sa baha, inanod na rin ang ilang mga basura na nasa gilid ng kalsada na kokolektahin pa lang sana. | ulat ni Jaymark Dagala