Nagabiso ngayon ang water concessionaire na Maynilad na pansamantalang maaantala ang suplay ng tubig sa ilang sineserbisyuhan nitong customers sa Quezon City at sa mallit na bahagi sa Brgy Ugong sa Valenzuela City.
Kabilang sa maapektuhan ang mga ss:
Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod (Belen, Good Haven, Marianito, Masaya, Nenita, Quirino Highway, San Pablo, Susana), Holy Spirit, North Fairview, Payatas, San Bartolome, Sauyo (BIR Subd., Franco, Greenview 1, 2 & 3, Executive Village, Mindanao Ave., Pascualler, Quirino Highway, Rolling Meadows 1 & 2, Sauyo Rd., Sauyo Palengke, Victorian Heights Subd.), Sta. Lucia, Sta. Monica (Palmera 4 Subd.), Talipapa (Apahap, Bagbag Creek, Biya, Delos Santos, Marigold Subd., Pasong Tamo River, Piko, Villa Sabina Subd.) at ang Ugong (Hobart Village 2 and Doña Marciana Subd.) sa Valenzuela.
Nakaiskedyul ang water service interruption mula 12:01 a.m. ng August 12, 2024 (Lunes) hanggang 4 a.m. ng August 13, 2024 (Martes).
Paliwanag ng Maynilad, ito ay para bigyang-daan ang leak repair sa discharge pipeline at para maisagawa ang ilang maintenance at repair activities sa North C Annex Pumping Station sa Quezon City.
Bahagi aniya ito ng kanilang regular na facility maintenance program, na kailangan para panatilihing nasa maayos na kundisyon ang mga pasilidad.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.
Magde-deploy naman ang Maynilad ng 107 water tankers para magdala ng malinis na tubig sa affected areas. Mayroon din kaming naka-install na 34 stationary water tanks sa ilang strategic locations. | ulat ni Merry Ann Bastasa