Asahan pa rin ang patuloy na pag-ulan na mararanasan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon hanggang bukas (August 29).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni OCD-NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, na base sa katatapos lamang na weather outlook meeting posible pa ring makaranas ng moderate to heavy rainfall bukas ang Pangasinan, Bataan, Zambales, Norther portion ng Palawan, at Occidental Mindoro.
Kaugnay naman sa nararanasang sama ng panahon sa NCR, nakatutok aniya ang pamahalaan sa mga lugar na karaniwang binabaha tuwing umuulan.
Ito ang dahilan ayon sa opisyal kung bakit mabilis na nagpapalabas ng flood advisory ang PAGASA, upang maabisuhan ang mga LGU at komunidad, partikular iyong mga malapit sa La Mesa Dam sa Quezon City at mga ilog na dadaanan ng tubig na magmumula dito.
“So far, wala pa po tayong reported na mga naapektuhan po but ang ano po natin ay iyong lang pong mga flooded areas dito po sa area ng Valenzuela, sa Quezon City at iba pa pong mga…Caloocan po, sa Malabon at saka dito po sa area ng Navotas, San Juan, at saka Manila.” —Posadas. | ulat ni Racquel Bayan