Nagpahayag ng suporta sina Senate Majority Leader Francis Tolentino at si Senador Robin Padilla sa pansamantalang pagpapa-tuloy ng Pilipinas sa refugees mula sa Afghanistan.
Ito ay habang nagpoproseso sila ng mga dokumento para makapasok ng Estados Unidos.
Pinunto ni Tolentino, na nasa kasaysayan na ng Pilipinas ang pagtanggap sa mga refugee gaya na lang ng mga Hudyo at Russian noong World War II at South Vietnamese noong Vietnam war.
Ayon sa majority leader, bilang signatory sa iba’t ibang international treaties, kinikilala ng Pilipinas ang kahalagahan ng pagbibigay proteksyon sa mga indibidwal na nangangailangan ng matutuluyan papalayo sa anumang persecution, kaguluhan o karahasan.
Sinabi naman ni Padilla, na ang tulong na ito ng Pilipinas sa mga Afghan refugees ay patunay ng pagiging mahabagin at matulungin ng mga Pilipino. | ulat ni Nimfa Asuncion