Iloilo solon sa CHED: Magpatulong sa govt. interns upang pabilisin ang disbursement ng pondo sa Universal Access to Tertiary Education

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ni Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin ang Commission on Higher Education (CHED) na i-mobilize ang government interns upang solusyunan ang mabagal na validation process ng mga Universal Access to Quality Tertiary Education o UAQTE.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag sa budget deliberation ng CHED kung saan iprinisinta nila ang issues at hamon kung bakit mabagal ang disbursement ng UAQTE funds, ay dahil sa delay ng validation ng mga benepisyaryo at masiguro na walang duplication ng grant.

Ito rin anila ang isa sa dahilan kung bakit mababa ang “utilization rate” ng kanilang budget.

Ayon kay Garin, dapat makipag ugnayan ang CHED sa Department of Labor and Employment upang i-tap ang mga government intern para makatulong sa validation maging sa mga rehiyon.

Oportunidad din ito aniya, na sakaling magkaroon ng hiring – bagay na kailangan ng CHED para ma-fill out ang kanilang mga Plantilla, ay maaari nang bigyan oportunidad ang interns na may kaalaman na sa kanilang trabaho.

Samantala, binigyang diin ng lady solon ang kahandaan ng Kongreso na suportahan ang budget ng CHED upang tiyakin ang magandang kinabukasan at edukasyon para sa mga Pililipino.

Kinilala rin ng mambabatas ang mga accomplishment ng ahensya upang paghusayin ang access sa de kalidad na edukasyon, kabilang dito ang UAQTE, Tulong Dunong Program, maritime education kung saan kinilala ng European Education ang maritime programs ng bansa at iba pa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us