Imbestigasyon sa kung paano nakalabas ng bansa si Alice Guo, ipapaubaya na ng Kamara sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para sa ilang lider ng Kamara mas mabuti na hayaan na ang Senado na mag-imbestiga sa kung paano nakalabas ng bansa si Alice Guo.

Sa isang mensahe sa Radyo Pilipinas, sinabi ni House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez na isa sa tagapamuno ng Quad Comm, mas mabuti na Senado na lang ang magsagawa ng pagsisiyasat upang mas maka-focus aniya ang QuadComm sa iba pang mahahalang isyu.

Ang QuadComm ay binubuo ng apat na komite na nag-iimbestiga sa uganayan ng POGO at iligal na droga.

“I don’t think so. Let the senate handle that issue so we can concentrate on some equally important matters,” ani Fernandez.

Sa panig naman ni House Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, hahayaan na lang aniya ng Kamara na ituloy ng Senado ang kanilang imbestigasyon, gayundin ang Department of Justice (DOJ) upang hindi na makagulo pa.

“It’, yung Senate na nag-iimbestiga diyan and then yung Department of Justice, ayaw naman natin manghimasok pa dyan at gumulo-gulo lalo,” wika ni Tulfo.

Una nang nagsabi ang ilang mambabatas na suportado nila ang pag-iimbestiga sa kung paano nakalabas ng Pilipinas si Guo at panagutin ang mga taong nasa likod nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us