Imbestigasyon sa ‘pa-ihi’ modus sa Bataan oil spill, suportado ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa posibleng smuggling ng langis o ‘pa-ihi’ modus na naging mitsa ng paglubog ng oil tanker na MV Terra Nova sa Bataan.

Ayon sa kalihim, dapat lang na imbestigahan ang anggulong ito at mapanagot ang mga mapatunayang may kasalanan.

Ang modus na “pa-ihi” scheme ay kadalasang ginagamit ng mga smuggler upang makaiwas sa buwis sa pamamagitan ng paglilipat ng kanilang mga produktong langis sa mas maliliit na barko.

Una na ring sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinisilip na nila ang posibleng pagkakasangkpt ng tatlong sasakyang-dagat na responsable sa oil spill sa Bataan sa smuggling nglangis. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us