Imbestigasyon ukol sa POGO, iligal na droga at anti-drug war, pag-iisahin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na inihain sa Kamara ang resolusyon upang pag-isahin ang pag-iimbestiga ng apat na komite pagdating sa POGO related crimes, iligal na droga at ang madugong anti-drug war ng nakaraang administrasyon.

Inihain nina Manila Rep. Joel Chua at Quezon City Rep. PM Vargas ang House Resolution 1843 na layong pagsamahin sa isang joint committee ang pagsisiyasat ng committee on dangerous drug, public order and safet at human rights.

Humirit naman si Batangas Rep. Gerville Luistro na maisama na rin dito ang House committee on public accounts.

Bago ito, inilahad naman ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales sa isang privilege speech na bagamat ang indibidwal na mga komite ay nagsasagawa na ng masinsinang imbestigasyon sa mga isyu, nangangailangan pa rin ng mas komprehensibong pagsisiyasat sa mga usapin na magkakaugnay.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng committee on public order and safety at games and amusements ang POGO related crimes, ang dangerous drugs at public accounts naman ay sinisiyasat ang nasabat na shabu sa mexico pampanga habang ang human rights committee ang dinidinig ang posibleng pagmamalabis ng war on drugs noong nakaraang administrasyon.

Sa pagsisiyasat ng POGO at iligal na droga sa Pampanga, natuklasan ang ang mga incorporator ng mga kompanyang may kaugnayan dito ay konektado.

“The complex yet interrelated nature of the issues surrounding public order, dangerous drugs, and human rights violations demonstrates the unique benefits of a collaborative approach that only a joint investigation can provide. A joint investigation will enable us to conduct a more inclusive and thorough examination of these interlocking issues,. It will allow us to invite resource persons who can provide valuable insights across multiple areas of concern. This coordinated effort will ensure that our findings are comprehensive and that our legislative recommendations are practical and encompassing,” ani Gonzales.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us