IMG-Golf, nagkaroon ng pagpululong kay Tourism Sec. Frasco para sa pagpapalakas ng turismo ng golf sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong ang International Management Group (IMG) Golf kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco noong Miyerkules, August 7, sa DOT Central Office sa Makati City.

Sa pagpupulong, ipinakita ng grupo ng IMG ang kanilang mga inisyatiba na naglalayong gamitin ang lumalagong industriya ng turismo ng golf sa bansa.

Ani Sec. Frasco, welcome sa DOT ang naisin ng IMG-Golf, dahil hangad din ng ahensya na iposisyon ang bansa bilang isang global hub para sa turismo ng palakasan.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong higit 100 golf course na nagkalat sa buong Luzon, Visayas, at Mindanao.   | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us