Inflation ngayong Agosto, tinatayang nasa 3.2 to 4.0 percent — Bangko Sentral ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang papalo ang August inflation ng 3.2 to 4.0% percent.

Mas mababa ito sa naitalang inflation noong Hulyo na nasa 4.4% above target.

Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ito ay dahil sa mas mataas na electricity rates at agricultural commodities, bunsod ng mga kalamidad na dumating sa bansa.

Ito anila ang mga pangunahing sources ng upward pressure to inflation habang ang mas mababang domestic oil prices, bigas, isda, karne, at  peso appreciation ang pambawi ng  nagpapataas ng inflation.

Tiniyak ng Monetary Board na gagawin nito ang mga hakbang para mapanatiling matatag ang presyo sa merkado upang  mabalanse at bigyan-daan ang sustainable growth ng ekonomiya at employment.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us