Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na dahil sa mataas na presyo ng kuryente at positive based effect kaya bahagyang tumaas ang inflation.
Pero ayon sa BSP pasok pa din ang 4.4 percent inflation ng July sa target range ng BSP na nasa 4.0 to 4.8 percent.
Base sa pinakabagong assessment ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang inflation outturn ay panandaliang mapapako above target range sa buwan ng July at bahagyang bababa na sa downtrend sa buwan ng Agosto.
Ang balance risk ng inflation outlook ay simula nang bababa sa downside sa natitirang buwan ng 2024 hanggang 2025, dahil bunsod ng impact ng mas mababang import tariff ng bigas sa ilalim ng Executive Order no 62.
Ang mataas na presyo ng food items maliban sa bigas, mas mataas na transportation at electricity charges ang patuloy na magdudulot ng upside risk to inflation.
Ayon sa BSP kanilang ikukonsidera ang latest inflation outturn at second quarter national accounts sa monetary policy meeting ngayong Agosto. | ulat ni Melany Valdoz Reyes