Nagsimula na ang briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senado tungkol sa panukalang P6.352 trillion 2025 national budget.
Dito, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona, na inaasahang bababa na sa 2 to 4 percent ang inflation rate ng ating bansa sa mga susunod na buwan hanggang sa 2025.
Pasok pa rin aniya ito sa target ng gobyerno.
Ayon kay Remolona, magiging malaking tulong sa pagbaba ng inflation rate ang pagbaba rin ng presyo ng bigas lalo na sa tulong ng ibinabang Executive Order 62 o ang pagbabawal ng taripa sa mga inaangkat na bigas.
Paliwanag ng BSP, base sa mga isinagawa nilang mga survey lumalabas na 90% ang nag-aalala sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Nananatili rin aniyang nasa magandang kondisyon ang mga bangko sa bansa at ang lebel ng ating international reserves. | ulat ni Nimfa Asuncion