Tuluyan nang ipinasara ng Quezon City government ang isang club ng tanggihan ang contact tracing team ng lungsod na makapagsagawa ng imbestigasyon at inquiries sa establisyemento.
Nag isyu na ng Cease and Desist Order at Notice of Violation ang LGU laban sa Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue.
Nagtungo noong Sabado ang City Epidemiology and Surveillance Division sa nasabing Club para magsagawa ng contact tracing measures,para sa posibleng mpox transmission, sa halip tumanggi ito.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod ng utos ng Department of Health.
Kasabay nito, nananawagan si Mayor Joy Belmonte sa mga residente at business owners na makiisa at makipag-cooperate sa mga health event investigation ng lungsod.
Ginagawa ito ng lungsod para maprotektahan ang lahat ng mga residente lalupat may naitala nang kaso ng monkeypox(Mpox) sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer