Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 kasunod ng technical issue sa isa nitong tren ngayong umaga.
Ayon sa MRT-3, nagka-aberya ang isa nitong tren bandang 8:37 kaninang umaga sa pagitan ng Boni Avenue at Guadalupe Station (Northbound).
Agad namang pinalipat ang mga pasahero upang bigyang-daan ang mga maintenance technician na magsagawa ng troubleshooting.
Dumating din ang sumunod na tren sa Boni Avenue Station bandang 8:59 ng umaga.
Inilagak na sa Shaw Pocket Track bandang 9:03AM ang tren na nagkaroon ng teknikal na isyu para isailalim sa karagdagang pagsusuri sa depot. | ulat ni Merry Ann Bastasa