Japan-based credit rating agency upgrade sa Pilipinas, welcome sa Banko Sentral

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang latest upgrade ng Japan’s Rating and Investment Information Inc. o R&I kung saan binigyan ang bansa ng “A-” with stable outlook mula sa “BBB+” with positive outlook rating.

Ito na ang second A-level rating ng bansa mula nang inupgrade ng R&I ang Pilipinas sa “A-” noong 2020.

Ayon sa Japan debt watcher, ito ay dahil sa robust external position ng bansa, easing inflation, stable banking sector, sufficient  foreign exchange reserves, stable inflows mula sa OFWs, at  foreign direct investments.

Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, nananatiling committed ang BSP sa pagtupad ng mandato nito na itaguyod ang katatagan ng presyo at pananalapi at mahusay na payments and settlement system tungo sa inclusive economic growth.

Ang “A” rating ay nagpapahiwatig ng isang investment grade rating na may lower credit risk na nagpapahintulot sa isang bansa na ma-access ang funding mula sa mga development partners at international debt capital markets sa mababang halaga.  | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us