Para kay justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi reliable na testigo si Shiela Guo kaya malabo itong maituring na state witness.
Sa panayam matapos ang budget hearing sa Senado, sinabi ni Remulla na kailangan mapatunayan muna na kailangang kailangan ang testimonya ni Shiela Guo para maituring itong state witness.
Sa ngayon, hindi pa naniniwala ang kalihim sa mga naging pahayag ni Shiela Guo.
Partikular na hindi mapaniwalaan ni Remulla ang sinasabi ni Shiela na naging paraan nila ng paglabas ng Pilipinas.
Partikular ang pagsakay umano nila ni Alice Guo sa isang fishing boat ng tatlong araw para makalabas ng Pilipinas patungong Indonesia at na sa Zambales ang kanilang naging exit point.| ulat ni Nimfa Asuncion