Umabot na sa P46.59 bilyon ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 78,000 anti-drug operation nito mula Hulyo 1, 2022 hanggang July 31, 2024.
Nangunguna rito ang nasabat na shabu na umabot sa 6,059 kilo, 74.69 kilo ng cocaine, higit 100,000 piraso ng ecstasy at 5,213 kilo ng marijuana.
Kaugnay nito, umabot na rin sa 6,726 ang mga nahuling high value individual.
Samantala, nasa 28,866 na rin ang mga idineklarang drug-cleared na barangay sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa