Muling bubuksan ang KADIWA sa Bagong Sibol Market sa Brgy. Nangka sa Marikina City ngayong araw.
Bahagi pa rin ito ng patuloy na paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga murang produktong agrikultural.
Dito, may mabibili ring ₱29 kada kilo ng bigas para sa mga vulnerable sector gaya ng mga Senior Citizen, Person with Disability (PWD), at mga solo parent.
Kamakailan, nag-alok din dito ng ₱45 na kada kilo ng bigas sa ilalim ng Rice-For-All program. | ulat ni Jaymark Dagala