Welcome para kay Speaker Martin Romualdez ang pahayag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na ipatutupad ng ahensya ang direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyang ipagbawal na ang operasyon ng mga Philippine offshore gaming operators (POGO)sa bansa.
Sinabi ni Remulla na gagawin nila ang lahat upang ipatupad ang pagpapahinto sa mga POGO sa pagtatapos ng taon nang walang lalabagin na batas at may paggalang sa karapatang pantao.
“We at the House of Representatives welcome this statement from our Justice Secretary, who is also a former chamber member. Kaisa po kami ng DOJ sa implementation ng total ban ng ating Pangulo sa POGOs na ito,” saad ni Speaker Romualdez.
Matatandaan na una nang ipinagutos na gawing prayoridad ang pagpapatibay ng anti-POGO bills matapos ipagutos ng Pangulong Marcos sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA) ang total ban sa POGO.
Giit niya kaisa ang lehislatura sa hangaring ito lalo at nakita naman ang social cost na dala ng mga POGO.
“we are also determined to end this menace once and for all, as ordered by no less than our President,” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes