Nangako si House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co na aaralin ng kanilang legal team ang petisyong inihain laban sa DOF Circular 003-2024.
Matatandaang iniakyat sa Korte Suprema ang pagkwestyon sa kautusan na maglilipat ng idle funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para magamit sa iba pang programa ng pamahalaan.
Sa ngayon, hindi pa aniya nila natatanggap ang kopya ng petisyon.
Ngunit oras na makuha at maaral na ng legal team ay maglalabas ng komprehensibong tugon.
“We have yet to receive a copy of the petition filed before the Supreme Court questioning DOF Cicrcular 003-004. Once we receive a copy, we will carefully review it with our legal team and issue a comprehensive response.” sabi ni Co.
Una nang sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, ipinatupad nila ang naturang hakbang na naayon sa batas at may pahintulot ng Governance Commission of GOCCs (GCG), Office of the Government Corporate Counsel (OGCC), at Commission on Audit. | ulat ni Kathleen Forbes