Inilabas na ng Kamara ang kautusan ng Quad Comm upang hulihin at idetine si Cassandra Ong.
Kasunod ito ng pagkakahuli ng Indonesian Immigration kina Ong pati na ng kapatid ni dismissed Bamban Tarlac Mayro Alice Guo na si Shiela Guo.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nakikipag-ugnayan na ang House Sergeant-at-Arms sa Philippine National Police para maipatupad ang kautusan at madetine si Ong sa loob ng 30 araw, oras na makarating na ito sa Pilipinas.
Sa hiwalay naman na mensahe, kinumpirma ni Quad Comm Chair Dan Fernandez na nakipag-ugnayan na nga ang sergeant at arms ng Kamara para makuha ang kustodiya ni Ong.
Umaasa rin si Fernandez na umabot si Ong at makaharap sa ginagawang pagdinig ngayon ng QuadComm. | ulat ni Kathleen Forbes