Kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na si Shiela Guo at Cassandra Li Ong, hawak pa ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatili pa ngayon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City sina Shiela Leal Guo, kapatid ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at Katherine Cassandra Li Ong, isa sa incorporator ng sinalakay na scam hub sa Porac, Pampanga.

Magkasamang nakadetine sina Ong at Guo sa isang special detention room sa ikawalong palapag ng NBI.

Sa panayam sa abogado ni Ong na si Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nitong nasa maayos namang lagay ang kanyang kliyente at kumbinsidong wala itong ginawang masama.

Nagpasalamat din ito kay NBI Director Jaime Santiago sa pagpapahintulot ng visitation rights nina Guo at Ong kahit ngayong long weekend.

Ngayong araw, inaasahan ang pagsalang sa Inquest Proceeding kay Guo at Ong na posibleng gawin sa NBI o sa Deprtment of Justice (DOJ).

Kasama sa inihahandang kaso ngayon laban kay Ong ang obstruction of justice at harboring of a fujitive habang may kahaharapin ding paglabag sa Immigration law si Shiela Guo.

Inaasahang makikipag-ugnayan ang NBI sa Senado at Kamara de Representantes dahil parehong may inisyung warrant of arrest ang dalawang kapulungan.

Una na ring hiniling ng Quad Committee ng Kamara na i-detain si Ong sa Batasang Pambansa habang ang Senado naman ay arrest warrant kay Shiela. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Raffy Tulfo in Action FB page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us