Karagdagang suplay ng bigas para sa presyong P29, inihahanda na ng NIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

May mga bagong aning bigas na ang National Irrigation Administration para ibenta sa KADIWA Stores sa halagang P29 kada kilo.

Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, ang nasabing bigas ay bunga ng programa na isinusulong ng NIA na ‘Rice Contract Farming’.

Nire-repack at inihahanda na ng NIA Cavite-Batangas at NIA Quezon Irrigation Management Offices ang mga bagong aning bigas para sa nalalapit na roll-out ng P29/kilo ngayong buwan.

Ang Rice Contract Farming ng NIA ay umaalalay at sumusuporta sa mga magsasaka mula sa pagtatanim hanggang sa pagbebenta ng ani.

Bahagi rin ito ng suporta ng ahensya sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga magsasaka at sektor ng agrikultura upang makamit ang food security sa bansa.

Magiging available ang abot-kayang bigas sa mga KADIWA Center at bibigyang prayoridad muna sa ngayon ang mga senior citizen, solo parents, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na unang makabili ng nasabing bigas. | ulat ni Rey Ferrer

📷: National Irrigation Administration

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us