Patuloy ang pagtaas ng kaso ng sakit na dengue at leptospirosis sa Lungsod Quezon.
Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit mula Enero 1 hanggang Agosto 10, pumalo na sa 2,268 ang kaso ng dengue sa lungsod.
May pagtaas ito ng 201 na kaso mula sa 2,067 na naitala hanggang Agosto 3.
Ang District 2 pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso na umabot sa 576.
Nasa tatlo ang dengue related deaths ang naitala mula sa District 1 at 2.
Samantala tumaas din ang bilang ng mga namatay sa sakit na Leptospirosis,na umabot na sa 18 mula sa 13 katao.
Dahil dito, umapela ang Pamahalaang Lungsod sa publiko na magtulungan upang maiwasan ang sakit na dengue at leptospirosis. | ulat ni Rey Ferrer