Patuloy pa rin ang naitatalang pagtaas ng kaso ng Dengue sa Quezon City.
Sa report ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, umabot na sa 2,067 ang Dengue cases sa lungsod mula Enero hanggang August 3, 2024.
Naitala sa District 2 ang may pinakamataas na umabot na sa 523 cases at District 3 naman ang pinakamababa na may 174 na kaso.
Hindi naman na nadagdagan ang Dengue related deaths na nanatili sa tatlo ang bilang.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang ginagawang clean up drive at health awareness lecture ng LGU para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit.
Pinapayuhan din ang mga residente na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na Health Center o pagamutan kung makararanas ng anumang sintomas ng Dengue. | ulat ni Merry Ann Bastasa