Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

Kaso ng Leptospirosis, lumobo pa sa nakaraang 2 linggo ng Agosto — DOH 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), lumobo sa 523 ang mga bagong kaso ng leptospirosis sa bansa mula August 8 hanggang 13, o dalawang linggo matapos manalasa ang bagyong Carina at habagat.

Higit na mataas ito mula sa 255 kaso bago umalis ng bansa ang bagyo.

Mula sa 523 bagong leptospirosis cases, 43 ang namatay kung saan dalawa ang menor de edad.

Sa ngayon walo sa higit 500 bagong kaso ang gumagamit ng mechanical ventilator, habang higit 200 ang inirekomenda para sa dialysis.

Sa panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon tiniyak ni Health Spokesperson Albert Domingo ang kahandaan ng mga ospital na tumanggap pa ng pasyente ng leptospirosis matapos i-activate ang surge capacity plan.

Hinimok ni Domingo ang publiko na huwag dumugin ang NKTI at San Lazaro Hospital dahil may nakahandang kapasidad ang ibang ospital para sa mga bagong pasyente ng leptospirosis.

Maaari aniyang tumawag sa numerong 8531-0037 o 0920-283-2758 para malaman kung saang ospital maaaring dalhin ang mga pasyenteng may leptospirosis.

“Kung dati ang isang ospital ay sabihin natin, sa 100 kama, 10 lang ang nakalaan sa leptospirosis. Dinadagdagan yan, tinataasan yan, nagiging 20-30.  Sa kaso naman ng NKTI imbes na 100 lang, nagdadagdag sila ng dagdag kama doon sa gym na malinis para magkaroon ng dagdag na kapasidad na tanggapin ang ating mga pasyente,” ani Domingo.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us