Nanawagan ngayon ang Malabon City government sa mga residente na magdoble ingat at iwasang lumusong sa baha lalo na tuwing malakas ang ulan
Kasunod ito ng naitalang pagtaas rin ng kaso ng leptospirosis sa lungsod matapos ang Bagyong Carina.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, umabot na sa 49 ang suspected leptospirosis cases na naitala sa ibat ibang Brgy. sa lungsod mula nitong hulyo.
Anim na rin ang naitalang nasawi dahil sa sakit habang pito ang nakarecover na.
24 na kaso naman ang under verification pa sa City Epidemiology and Surveillance Unit or CESU, habang 12 pasyente ang nakaadmit sa ibay ibang ospital sa Metro Manila.
Dahil dito, hinikayat na ng City Health Dept ang mga residente na lumusong sa baha nuong bagyong Carina at ngayon ay nakakaranas ng lagnat, pananakit ng katawan, lalo na kung hirap sa pag ihi at iba pang mga sintomas, na magtungo agad sa pinakamalapit na Health Center o ospital upang malapatan ng tamang lunas.
Tiniyak naman ng LGU na mayroong sapat na stock ng Doxycycline na ipinaminigay ng libre, bilang “prophylaxis” sa sakit na ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa