Kasunduan sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Vietnam, nakatakdang lagdaan ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang lagdaan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Vietnam Minister of National Defence General Phan Van Giang ang isang “Letter of Intent” na magpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.

Ito’y pagkatapos ng bilateral meeting ng dalawang opisyal ngayong araw sa DND Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Ang kasunduan ay inaasahang makakatulong para isulong ang mas malapitang kooperasyong militar at pandepensa ng dalawang bansa.

Samantala, magkakaroon din ng courtesy call si General Phan kay Pangulong Ferdinand  R. Marcos, Jr. at nakatakda rin siyang bumisita sa Philippine Navy Headquarters.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us