Ipinagmalaki ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) na lumobo sa 2.70% ang kita nito sa unang anim na buwan ng 2024.
Ito’y matapos na pumalo sa ₱4.67-billion ang nakolektang revenue ng ahensya.
Ayon kay LTO-NCR Financial Management Division (FMD) Chief Annabelle Quevedo, nalagpasan na ng ahensya ang first half revenue collection noong nakaraang taon na nasa ₱4.5-billion.
Tinukoy nito ang mataas na koleksyon ng ahensya noong mga buwan ng Enero, Pebrero, Abril, at Mayo na sumampa sa ₱3.22-billion.
Pinakamalaking bulto ng revenue ay mula sa registration at licensing.
Habang ang mga nahuli namang pasaway na motorista sa Law Enforcement and Traffic Adjudication System (LETAS) ay nakaambag din ng ₱49.4-million.
Aabot rin ng ₱8.4-million ang nakolekta sa Motor Vehicle Inspection Center (MVIC).
Ayon naman kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” Verzosa III, target nilang mapalawak pa ang revenue growth ng ahensya sa ikalawang bahagi ng 2024.
“We appreciate and acknowledge the efforts of all LTO-NCR employees who have contributed to the growth of our revenue collection in the first half of the year. Asahan niyo we will strive harder to maintain our revenue growth for the second half of 2024,” ani Verzosa. | ulat ni Merry Ann Bastasa