Nag-anunsyo na ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa silangang bahagi ng Metro Manila ng suspensyon ng klase sa kanilang mga paaralan ngayong araw.
Ito’y bunsod ng nararanasang malakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Kamaynilaan dulot ng hanging habagat.
Batay sa anunsyo ng mga Lokal na Pamahalaan ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan, suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Dahil dito, inabisuhan ng mga naturang lokal na pamahalaan ang kanilang mga residente na gawin ang ibayong pag-iingat at maghanda sa posibleng paglikas dahil sa pagbaha. | ulat ni Jaymark Dagala