Inilunsad ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang komprehensibong plano upang matugunan ang lumalalang outbreak ng dengue sa bansa.
Layon ng plano na masiguro ang sapat na suplay ng dugo at iba pang kritikal na pangangailangan ng mga pasyenteng may dengue.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, mahalaga ang maagap na pagkilos.
Bukod sa pagbibigay ng dugo, kasama rin sa response plan ang dengue awareness campaigns, health caravans, blood donations, at cleanup drives.
Tiniyak naman ng PRC na mabibigyan ng access sa dugo ang mga pasyente na nangangailangan.
Para sa pangangailangan ng dugo at iba pang tulong, maaaring tumawag ang publiko sa 24/7 hotlines ng PRC na 1158 at 143. | ulat ni Diane Lear