Nakipagsanib pwersa ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa CareSpan, Temasek Foundation at KK Women’s and Children’s Hospital para palakasin pa ang healthcare programs nito.
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, dalawang major agreement ang pinasok ng lungsod para sa ikagiginhawa at kapakinabangan ng mga nanay at kabataan sa Taguig.
Ang unang kasunduan ay pinangunahan ng CareSpan Asia Inc., ka-partner ang Temasek Foundation, kung saan isa itong pilot program para sa multiple stakeholders sa Public-Private-Philanthropic Partnership (PPPP) na magbibigay sa nasa 350,000 underserved citizens ng Taguig City.
Sa naturang partnership, magbibigay ang CareSpan sa Taguig City ng access sa advanced digital health care platform para sa nasabing mga residente.
Ang naturang platform na binubuo ng electronic medical records (EMR) system at telemedicine capabilities, ay ikokonekta sa Taguig’s local healthcare program para matiyak na ang target beneficiaries ay may access sa de kalidad na serbisyong medikal.
Kaugnay nito ang Temasek Foundation naman ng Singapore ay susuportahan ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagpondo ng S$2.12 million para matiyak ang pagtuloy-tuloy nito, at posibilidad na mapalawak pa sa ibang lokalidad.
Sa bahagi naman ng Taguig, ito ay magsasanay ng mga volunteer at health workers na mag-aasikaso sa low-income communities, at magsusulong ng mas malawak na health awareness.
Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, mahalaga ang nasabing partnership dahil ito ang katupran ng kanilang mandato na magbigay ng maayos at de kalidad na healthcare access sa mga residente nito.
Aniya, ang kanilang misyon ay ilapit sa publiko ang komprehensibong serbisyong medikal kabilang ang nutrition, wellness at iba pang pangangalagang pang kalusugan.
Nagkaroon din ng kasunudan ang Taguig sa KK Women’s and Children’s Hospital para naman sa mas magandang pangangalaga ng mga nanay at kabataaan. | ulat ni Lorenz Tanjoco