Kooperasyong pandepensa, tinalakay ng Philippine Navy at German Defense Minister

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-usapan nina Philippine Navy Flag-Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. at German Defense Minister Boris Pistorius ang pinalawak na kooperasyong pandepensa sa pagbisita ng huli sa Philippine Navy Headquarters noong araw ng Linggo.

Dito’y nagsagawa ng isang komprehensibong maritime briefing, kung saan nirebisa ng mga opisyal ng Pilipinas at Germany ang mga kasalukuyang hamong panseguridad at mga stratehiya para mapalakas ang maritime cooperation ng dalawang bansa.

Nagpasalamat si VAdm. Adaci sa German Federal Ministry of Defence sa kanilang paninindigang panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa pamamagitan ng pagtataguyod ng rules-based international order sa Indo-Pacific Region.

Inaasahan ng Philippine Navy ang lalong pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Germany at ang pagtuklas ng mga bagong larangang pang kooperasyon sa German Navy. | ulat ni Leo Sarne

📸: Courtesy of NPAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us