Kustodiya ni Cassandra Ong, pag-uusapan pa ng NBI at ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pa ring pinal na desisyon kung kanino mapupunta ang kustodiya ni Cassandra Ong matapos itong mahuli sa Indonesia at maibalik sa Pilipinas.

Si Ong ay iniuugnay kay dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at sa ni-raid na POGO hub sa Pampanga na Lucky South 99.

Ayon kina Quad Committee Chairs Robert Ace Barbers at Dan Fernandez, sa ngayon ay pinoproseso pa kasi ng immigration si Ong kasama si Shiela Guo, at dadaan pa sa inquest at debriefing ng Department of Justice (DOJ).

Aminado naman ang dalawang mambabatas, na kung sampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kaso si Ong ay posibleng sa NBI na mapunta ang kustodiya nito.

Gayunman, dahil sa may inilabas nang contempt order ang komite ng Kamara noon pang August 7, umaasa silang mapagbigyang sa Kamara ma-detine si Ong.

Paliwanag ni Fernandez, mas madali kasi para sa kanila na paharapin si Ong sa mga pagdinig ng Quad Comm kung nasa kustodiya ito ng Kamara.

Pero nakadepende pa rin naman aniya ito sa magiging pag-uusap ng House leadership at ng DOJ.

Ang mahalaga aniya ngayon ay naibalik si Ong sa Pilipinas at mapapa sagot sa pagkakasangkot niya sa usapin ng iligal na POGO. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us