Hinimok ng Embahada ng Pilipinas sa Canada ang mga kwalipikadong Pilipino sa nasabing bansa na makibahagi sa voter’s registration.
Ayon sa anunsyo ng embahada, dapat tandaan na tiyakin na ang kanilang overseas voter record ay aktibo sa ilalim ng post offering internet voting.
Maaari ding kumpletuhin ang pre-voting enrollment step online at ang link anila kung saan ito gagawin ay magiging accessible pagsapit ng February 12, 2025.
Pwedeng bumisita ang mga nagnanais na makaboto sa 2025 elections sa pinakamalapit na Philippine Embassy o Consulate General para makapagparehistro.
Ang nasabing registration ay bukas lang anila hanggang sa katapusan ng Setyembre 2024. | ulat ni Lorenz Tanjoco