Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng sa susunod na tatlong buwan pa mabubuo ang La Niña weather phenomenon.
Gayunpaman, sinabi ng ahensya na ang inaasahang La Niña ay magiging “mahina” lamang.
Ayon sa PAGASA, nasa 66 percent ang posibilidad na mabuo ang La Niña ngayong Setyembre hanggang Oktubre, at maaaring magpatuloy ito hanggang sa unang quarter ng 2025.
Inaasahan din ng state weather bureau na may walo hanggang 14 na tropical cyclone na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa Enero ng susunod na taon. | ulat ni Diane Lear