Umarangkada ngayong araw sa Quezon City ang “LAB FOR ALL: Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat!” ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Pinangunahan ito mismo ng unang ginang kasama ang ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. at si QC Mayor Joy Belmonte.
Kumpleto ang serbisyong alok sa ilalim ng LAB for all kabilang ang libreng laboratoryo, konsultasyon, at gamot para sa lahat.
Sa kanyang maikling mensahe, nagpasalamat si Mayor Belmonte kay First Lady Liza Araneta Marcos sa malasakit nito para sa nasa 2,000 mga residente ng lungsod lalo na sa mga benepisyaryo na ang ilan ay nabiktima ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.
Nilalayon ng LAB for All na ibaba sa mga komunidad at mga ordinaryong pilipino ang mga serbisyong medikal tungo sa pagpapalakas ng sektor ng kalusugan ng bansa.
Bukod naman sa serbisyong medikal, suportado rin ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang LAB for all na nagsetup rin ng kanilang mga booth para ilapit ang kanilang mga serbisyo sa mga residente ng Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa