Lab for All Program ni First Lady Liza Marcos, aarangkada sa Quezon City Hall ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Katuwang ang Quezon City government, magsasagawa ng “LAB FOR ALL: Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat!” ang tanggapan ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Quezon City Hall ngayong araw.

Pangungunahan ito mismo ni First Lady Liza Araneta-Marcos at ni Mayor Joy Belmonte.

Iba’t ibang serbisyong medikal ang iaalok sa Lab for All kasama ang libreng check up, blood test, labtest, at gamot.

Kaugnay nito, una na ring tumanggap si Mayor Joy Belmonte ng mga hospital equipment at supplies na donasyon mula sa unang ginang para sa Quezon City General Hospital (QCGH).

Bahagi ng donasyon ang tatlong air conditioners, 10 infrared lamps, tatlong medical beds, at tatlong drip infusion controller na gagamitin para sa mga pasyenteng nasa Intensive Care Unit. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us