Lady solon, nais palawigin ang validity ng rehistro ng mga sasakyan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Las Piñas Representative Camille Villar ang panukala na palawigin ang validity ng original at renewed certificates of registration ng mga sasakyan.

Sa kaniyang House Bill 10696 o “Extended Motor Vehicle Registration Act of 2024,”  ang rehistro ng bagong motor vehicles ay bibigyan ng 5-year validty mula sa kasalukuyang 3-years.

Ang mga bagong motorsiklo naman ay bibigyan ng ay 3-year validity mula sa kasaluluyang isang taon.

Para naman sa renewal ng sasakyan na lima hanggang pitong taon na ang tanda, 3-year validity ang ibibigay at para sa mga walo hanggang siyam ay dalawang taon ang magiging validity, at isang taon naman para sa mga sasakyan na 10 taon na o mas matagal ang tanda.

Pagdating sa motor, 2-year validity ang ibibigay sa mga tatlo hanggang pitong taon na ang tanda at para sa mga walo o mas matagal, ay isang taon.

Sa paraan aniyang ito mabibigyang ginhawa sa oras at gastos ang mga may-ari ng kotse at motor mula sa palagiang pagpaparehistro.

Bawas din aniya ito sa administrative costs ng gobyerno sa pagproseso ng rehistro.

“I recognize the predicament of motor vehicle owners who troop to Land Transportation Office (LTO) renewal centers every year to renew their motor vehicle registrations. This annual occurrence entails the use of precious time and resources, both financial and non-financial, by millions of motor vehicle owners,” sabi ni Villar. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us