Language training and tutorial facility sa Cavite, isinara ng DMW dahil sa illegal recruitment

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinandado ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Volant Academy for Language Excellence, Inc. na isang language training and tutorial facility sa Silang, Cavite.

Ito’, ayon sa DMW, ay dahil sa pagkakasangkot ng naturang training center sa illegal recruitment.

Ayon kay DMW Asistant Secretary Francis Ron de Guzman, naniningil umano ang Volant Academy ng ₱500,000 na processing fee, language training fee, at practical job training fee sa kanilang mga estudyante kapalit ang pangakong trabaho sa Germany.

Kabilang sa mga ini-aalok na trabaho ng Volant ay ang nurses/caregivers, auto mechanics, baker, butcher, restaurant specialists, at security specialists na may suweldo umanong aabot sa ₱60,000 kada buwan.

Ang siste, bibigyan muna umano ng student working visa ang kanilang mga aplikante at magtatrabaho sa Germany bilang mga part-time job habang nag-aaral.

Pero giit ni De Guzman, iligal ang ginagawang ito ng Volant dahil wala silang permit para magpadala ng mga manggagawa abroad.

Patuloy naman ang panawagan ng DMW sa mga Pilipinong nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na maging mapanuri gayundin ay mag-ingat at i-ulat sa kanila kung may kahina-hinala sa kanilang pinapasok na transaksyon.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us