Pinangunahan ng Urban Poor Affairs Office at Estate Management and Development Office ng Las Piñas City ang isinagawang Capacity Building Program Orientation sa the Las Piñas Multi-purpose Building.
Ang nasabing event ay tumutok sa Pambansang Pabahay Para sa Pamilyang Pilipino (4PH) Program, kung saan nagpresenta ng kani kanilang programa ang Pag-IBIG Fund (HDMF) at ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Dinaluhan din ni City Vice Mayor April Aguilar ang nasabing pagtitipon kasama ang ilang miyembro ng konseho.
Ayon sa Las Piñas LGU, layon ng nasabing orientation na ipaalam sa mga dumalo kabilang ang mga minimum wage earners, government employees, at Overseas Filipino Workers, ang mga benipisyo, patakran at requirements para sa 4PH Program.
Maganda naman ang naging tugon ng mga umattend sa naturang pagtitipon at ikinalugod ng mga ito ang komprehensibong impormasyonng ibinigay ng mga speakers.
Giit ng Las Piñas LGU, ang nasabing inisyatiba ay nagbibigay diin sa commitment ng lungsod na suportahan ang mga residente nito na magkaroon ng sarili nilang bahay. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷 Courtesy of Las Piñas FB