Binigyang-pagkilala ng City of Las Piñas, sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar, ang World Mission Society Church of God dahil sa katangi-tangi nitong blood donation drive na ginanap noong selebrasyon ng Passover, na nakalikom ng nasa 100 blood donors.
Personal na iprinisinta ni Vice Mayor Aguilar ang isang plaque of recognition sa pastor na si Minho Koo at iba pang representate ng nasabing simbahan.
Ayon sa LGU, ito ay bilang pagkilala sa ambag ng simbahan sa mga ginagawa ng lungsod na matiyak ang stable blood supply para sa nangangailangan.
Ang nasabing pagtutulungan ng pamahalaang lungsod ay isa anilang matagumpay na partnership sa pagitan ng gobyerno at ng komunidad para sa kapakanan ng pampublikong kalusugan at kaayusan. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📸: Las Piñas LGU