Nanawagan si House Deputy Leader at Las Piñas Rep. Camille Villar sa kaniyang mga kapwa mambabatas na aprubahan ang kanyang panukala na P10-billion cancer fund and free medicine assistance program para sa mga mahihirap na pasyente.
Sinabi ni Villar na panahon na para sa mga underprivilege na mapagkalooban ng lifeline sa kanilang laban kontra cancer.
Sa ilalim ng House Bill 5686 ang cancer assistance program ay limitado sa mga indigent at underprivilege cancer patient na siyang tutukuyin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Layon ng din ng panukala na isama ang P10-bilion sa annual budget ng DOH para sa kanilang cancer treatment program.
Diin ng mambabatas, magbibigay ito ang pag-asa sa mga pasyente na gumaling at maka-recover.
Amindao ang ladysolon na napakamahal ng cancer treatment sa bansa kung saan ang chemotherapy ay nagkakahalaga na ng 100,000 per session at mataas na halaga ng MRI na mabigat na sa bulsa ng mga middle-income patients lalo na sa mga mahihirap.| ulat ni Melany Valdoz-Reyes