Listahan ng napatay na Chinese nationals na sangkot sa iligal na droga sa loob ng bilangguan, hinihingi ng QuadComm sa BuCor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Surigao del Sur Representative Johhny Pimentel na maisumite sa QuadComm ng Kamara ang listahan ng mga Chinese national na pawang nakulong dahil sa iligal na droga, at namatay sa loob ng mga bilangguan mula July 2016 hanggang noong 2017.

Kasunod ito ng pagharap sa pagdinig nina Fernando Magdadaro at Leopoldo Tan, dalawang persons deprived of liberty (PDLs) na umaming pumatay sa tatalong Chinese nationals na sangkot sa droga sa loob mismo ng Davao Prison and Penal Farm.

Sa salaysay kasi ni Tan, may listahan ng 32 Chinese nationals na nakakulong sa iba pang pasilidad na planong ipapatay.

Tinukoy pa ni Pimentel, na lumbas sa mga pahayagan at ulat sa telebisyon ang pagkamatay ng 29  na mga Chinese na sangkot sa droga sa iba’t ibang detention center.

Sa paraang ito, naniniwala si Pimentel na makikita ang pattern ng ‘systematic killing’ ng mga Chinese drug lord noong panahon ng nakaraang adminsitrasyon. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us