Magsasagawa ng Live-Fire Exercise ngayong araw ang mga tropa ng Philippine Army at US Army, gamit ang “High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) platform ng Estados Unidos sa Philippine Army Artillery Regiment long range precision firing area sa Barangay Canantong, Laur, Nueva Ecija.
Ang ehersisyo ay bahagi ng pagpapatuloy ng “Salaknib” Phase 2 Exercise sa pagitan ng dalawang hukbo na nagsimula noong May 11 kung saan kasali ang 2,000 tropang Pilipino at Amerikano.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, kalahok sa eherersisyo ang 1st Multi-Launch Rocket System (1MLRS) Battery, Army Artillery Regiment (AAR) ng Philippine Army at ang 2/A/5-3 Long Range Fires Battalion (LFRB), US HIMARS, 1st Multi-Domain Task Force (MDTF) ng US Military.
Ang HIMARS ay isang “combat-proven, wheeled precision strike weapons system” na may kakayang magpakawala ng anim na guided MLRS (GMLRS)/MLRS rocket o isang “Army Tactical Missile System” (ATACMS) missile laban sa mga target. | ulat ni Leo Sarne