Nagpaabot ng pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III sa pagsuporta sa Public Transportation Modernization Program(PTMP). Ito’y sa gitna ng mga panawagan ng Senado na suspindihin ang pagpapatupad nito.
Ayon kay Guadiz, ang matatag na pangako ng Pangulo ay nagpapatibay sa kahalagahan ng modernisasyon ng sistema ng pampublikong transportasyon ng bansa.
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na hindi siya sumasang-ayon sa mga panawagan na ipagpaliban ang PTMP para muling isailalim sa review.
Aniya, 80 porsiyento na ang na-consolidated at dapat lang na pakinggan ang nakakarami.
Sabi pa ni Guadiz na ang “pamumuno at pananaw ng Pangulo para sa Modernized Transportation Infrastructure ay mahalaga sa pagtugon sa mga umuusbong na pangangailangan ng commuters at pagtiyak ng isang mas maaasahan at eco-friendly na public network transportation. | ulat ni Rey Ferrer