LTO, binalaan ang publiko vs. mga pekeng improvised plate authorization letter

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko laban sa mga kumakalat na nag-aalok ng pekeng improvised plate authorization letters.

Kasunod ito ng impormasyon mula sa LTO Calabarzon kaugnay ng pekeng dokumento.

Paglilinaw ng LTO, ang mga dokumentong ito ay walang bisa at labag sa batas.

Pinayuhan naman ng ahensya ang publiko na iwasang makipag-transaksyon sa mga indibidwal o grupo na hindi awtorisado at makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) para sa anumang transaksyon o pagkuha ng kaukulang dokumento.

Hinikayat din nito ang publiko na agad i-report sa pinakamalapit na LTO office ang anumang kahina-hinalang aktibidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us