Ipinag-utos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang masusing imbestigasyon sa pagbili ng 756 units ng breath analyzers noong 2015 at 2017.
Ginawa ni Mendoza ang kautusan matapos mabunyag sa isinagawang imbentaryo na hindi na magagamit ang natitirang breath analyzers.
Batay sa assessment, 288 lang sa 756 units ang maaaring ayusin at i-recalibrate.
Aniya, ang unang batch ng 150 units noong 2015 ay binili sa halagang ₱68,000 kada piraso habang ang pangalawang batch na higit sa 600 units ay binili sa halagang ₱38,000 bawat isa.
Isinasagawa ang pagsusuri para malaman kung magiging mas praktikal ang pagbili ng mga bagong breath analyzer kaysa ayusin at i-recalibrate ang mga ito.
Pagtiyak ni Mendoza, kung bibili ang LTO ng mga bagong breath analyzers, magiging transparent ang procurement process. | ulat ni Rey Ferrer